JRMSU, lumahok sa PITYLC 2016

PITYLC-

     Anim na mga delegado mula sa JRMSU ang lumahok sa taunang “Philippine I Transform Youth Leaders Convention (PITYLC), na ginanap sa loob ng Teacher’s Camp, lungsod ng Baguio, noong ika-23-26 ng Setyembre. Dinaluhan ito ng mga sumusunod: Areston D. Gonzales (SSG VicePresident), Crizzia Mae W. Rosales (SSG Treasurer), Chinnie M. Donio (SSG Auditor), Shem J. Villamor (SSG Associate Auditor), Monica Dianne D. Dingcong (SSG Legislative Speaker), Wilmar D. Ramo (SSG Chief Justice) at John Mark B. Legados (News Editor, Ang Bagong Pananaw). Habang ang gurong tagapatnubay ay si Jograce E. Jordan (Assistant Dean, CeTech).

     Tema ng konbensyon sa taong ito ay “SDG’s: A Transformative Journey Towards A Better Nation, A Better World 2030”. Nakasentro sa nasabing konbensyon ang layunin ng United Nations (UN) sa darating na taong 2030 at ito ay tinawag na SDG o Sustainable Development Goals. Naging tagapagsalita ng konbensyon si Ginoong Klaus Beck, ng United Nations Population Fund Philippine Country Representative at isinalaysay niya ang mga layunin ng SDG, kagaya ng pagsugpo sa kahirapan, maraming oportunidad sa trabaho, kalidad na edukasyon, malinis na kapaligiran, malinis na tubig, pagkakapantay-pantay sa kasarian, progresibong pagunlad ng mga lungsod at iba pa. Tampok din sa nasabing konbensyon sa panapos na salita ng PITYLC founding chair na si Ginoong Antonio Maraguinot. Ayon sa kanya, “Hindi na natin kailangan ng pagbabago ng layunin kagaya ng dating Millennium Development Goal (SDG) para sa taong 2030, kung hindi ang kailangan natin ay ang pagbabago sa ating sarili upang baguhin ang kapaligiran at ang mundo”.