National Student Research Conference: tagumpay na idinaos
Pinasiyaan ang kauna-unahang National Student Research Conference na idinaos sa Cebu Business Hotel, Cebu City noong Nobyembre 26-27, kasalukuyang taon.
Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang panig nang bansa, kabilang na ang mga mag-aaral mula sa Jose Rizal Memorial State University, Dipolog Campus na sina: Monica Dianne D. Dingcong, Leamarie P. Empremiado at Ariane E. Ugdamina na nagmula sa Bachelor of Elementary Education.
Sina Sharlene Dave Colaljo, Gina Tinonga, Jahmae Artiaga, Chreslyn Tiu, Shera Awa, Knile Gumela, Metushella Arseno, Angelica Pampilo, Nesty Gloria Cantery, Jane Ceballos, Cherry Bingaan, Jim Elmita, Lilibeth Babat at Beverly Lagala na nagmula naman sa Bachelor of Secondary Education major in English, an pinanguluhan ng ating magiting at may kalakasang dating ang gilas sa laranga ng research, Dr. Daylinda Luz Laput.
Ang nasabing pagtitipon ay inorganisa ng A&A Knowledge Base Research Consultancy and Training, Inc. na pinangunahan ni Dr. Socorro E. Aguja, pangulo ng nasabing organisasyon. “Nurturing Student’s Research Character”, layunin nitong madagdagan pa ang kaalaman at mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pananaliksik na maaaring makaambag sa mga pangangailangan ng bansa. Isa-sang nagpresenta ang bawat representante kasunod nito ang pagbibigay ng mga constructive feedbacks at mga katanungan na nakapagbibigay kaba sa bawat isa.
Ang dalawang araw na pagtitipon ay nabigyan ng kakaibang karanasan at kagalakan sa bawat mukha ng mga representante.