TES Orientation, matagumpay na dinaluhan
ni: Gracy Mae Cabello
“There is no more reason for the parents not to send their children to school.” Ito ang mensahe ni Dr. Daylinda Luz R. Laput sa mga magulang at mag-aaral sa ginanap na Tertiary Education Subsidy orientation noong Pebrero 26, 2019 sa Jose Rizal Memorial State University Gymnasium.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng mga TES Grantees ng JRMSU Dipolog Campus kasama ang kanilang mga magulang. Dumalo din ang Dekano ng Student Affairs and Services na si Dr. Jay D. Telen, mga opisyales ng CHED, at ang presidente ng unibersidad na si Dr. Daylinda Luz R. Laput.
Nagbigay din ng pangaral si Dr. Laput para sa mga TES Grantees na maging maingat sa paggastos, huwag basta gastusin ang perang matatangap sa mga hindi mahahalagang bagay.
“No to one day millionaire syndrome, and set your priorities.” Dagdag pa ng presidente ng unibersidad sa kanyang mensahe.
Layunin ng programang ito na makatulong sa mga estudyante na may problema na pinansyal upang makapagtapos ang mga ito ng pag-aaral.