Foam party tampok sa students’ night 2016


foam1

      Tampok ang kauna unahang Foam Party sa Students’ Night 2016 bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng Jose Rizal Memorial State University Dipolog Campus – Students’ Festival nakaraang ika- 21 ng Oktubre sa taong ito.

      Naorganisa ang foam party sa pamumuno ng Supreme Student Government – Dipolog at ginanap sa JRMSU-Dipolog ground.
      Bukas para sa lahat ang nasabing aktibidades pero mayroong ticket na nagkakahalagang P50.00 para sa mga dumalong hindi estudyante ng JRMSU.

      Sinimulan ito ng alas syete ng gabi at nilahukan ng mga estudyante mula sa lahat ng departamento maging Senior High School Students. Lumahok din ang mga Faculty at Staff ng iba’t ibang departamento.
Sa pangunguna ni DJ Tom Morandarte, aliw na aliw ang lahat sa pagsayaw kasabay ng pag-ulan ng mga bula.
Sa kabuuan, naging matagumpay ang pagtatapos ng Student’s Festival 2016 dahil sa magarbong Students Night.