Dipolog PNP Nagdaraos ng Project Double Barrel Symposium

Symposium-b

     Matagumpay na naidaos ang project double barrel symposium na pinangunahan ng Dipolog PNP, sa pakikipagtulungan ng local na pamahalaan ng Dipolog at Jose Rizal Memorial State University na ginanap sa loob ng JRMSU Campus Gymnasium noong Oktubre 1, 2016. Layunin ng Bomb Awareness at Illegal Drugs Awareness.

     Humigit kumulang 242 ROTC Cadets, officers at iba pang mga mag-aaral ang dumalo sa nasabing symposium. Nagbigay rin ng mga tips tungkol sa Fire Prevention at Anti-Hazing. Pinangunahan ni PSUPT. Lito L. Andaya ag chief police ng Dipolog City ang lecture tungkol sa Traffic Laws ang Regulations, kung saan sinabi niya na para sa kaligtasan ng lahat ang isinagawang checkpoints at walang dapat ikatakot. Ayon kay SPO1 Marlon L. Cuaresma, ibaโ€™t ibang paaralan daw ang kanilang binisita sa loob ng lungsod upang ibahagi ang mga impormasyon na magbibigay ng kaligtasan sa mga mamayan.

     Ilan sa mga paara;an ang kanilang napuntahan ay ang Dipolog City National High School (DCNHS), Dipolog Medical Center (DMC) at Zamboanga del Norte National High School (ZNNHS). Sa darating na mga buwan ay dadayuhin din ng Dipolog City Police Station ang iba pang paaralan sa loob ng lungsod. Nagtaoos ang symposium sa isang Bomb Drill na isinagawa sa basketball court ng unibersidad kung saan nagpasabog ng isang bomba ang DCPS. Ito ay upang malaman ng mga mag-aaral ang tunog at epekto ng pagsabog ng tunay na bomba.