๐,๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐ ๐ง๐๐ค๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐๐
โ๏ธ ๐ฑ๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐
๐ธ ๐จ๐
๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐
Nakatanggap ang 1,551 estudyante ng JRMSU-Dipolog ng tig-โฑ10,000 mula sa Tertiary Education Subsidy (TES) ng Commission on Higher Education (CHEd) noong Pebrero 10 hanggang Pebrero 21 ngayong taon.
Ipinamahagi ng CHEd ang kabuuang 1,551 grant sa ibaโt ibang kategorya. Nakalaan ang 1,290 grant para sa TES Batch 13.1, ibinigay ang 95 grant sa TES Batch 13.0, inilaan ang 163 grant para sa TES 3B Batch 2022, at ipinagkaloob ang 2 grant sa TES 3B Batch 2023. Samantala, isang grant ang itinalaga para sa TDP Batch 3.1.Ang naipamahaging grant ay para sa unang semestre ng akademikong taon 2023-2024.
Ginampanan ng Student Affairs and Services Office (SASO) ang mahalagang papel sa distribusyon ng subsidy. Sinimulan ng SASO ang proseso sa pamamagitan ng pag-verify ng mga kinakailangang dokumento ng mga estudyante at pagtiyak na natapos nila ang profiling forms. Matapos ang beripikasyon, nag-isyu ang SASO ng mga slip na ipinakita ng mga estudyante sa Cashierโs Office upang makuha ang kanilang grant.
Hinikayat ni Prof. Ma. Jyl Lagorra, Unit Head ng Student Financial Assistant program, ang mga estudyante na manatiling nakatuon sa kanilang pag-aaral at panatilihin ang minimum na GPA na 2.5 upang patuloy na makatanggap ng tulong pinansyal.
โMahalaga rin na maunawaan ng mga estudyante ang halaga ng TES subsidy at ang epekto nito sa kanilang edukasyon. Dapat nilang gamitin nang wasto ang pondong ito upang matulungan silang makamit ang kanilang mga pangarap,โ dagdag pa niya.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa tulong pinansyal na kanilang natanggap.
Ayon kay Eunice Espinosa, isang third-year student sa Bachelor of Science in Education major in Filipino, โNapakalaking tulong nito para sa aking pag-aaral. Mas makakapagpokus ako dahil nabawasan na ang aking alalahanin sa aspetong pinansyal.โ